Ang paglalagay ng extension sa pilikmata gamit ang mga paraan tulad ng classic, volume, o hybrid ay mahalaga, ngunit ang huling resulta ay depende sa napiling style na gusto mo. Tingnan ang mga pinakasikat na pagpipilian at isipin kung alin sa mga ito ang bagay sa iyo!
Mga Style ng Extension ng Pilikmata - Ano ang dapat isaalang-alang bago ka bumili?
Ang bawat paraan ng paglalagay ng extension sa pilikmata - classic, volume, at hybrid - ay maaaring gamitin upang makagawa ng iba't ibang magagandang style. Marami sa mga ito ay sikat ngunit hindi laging bagay para sa lahat. Ang mga uri ng mata ay nahahati batay sa hugis at ayos nila
- maliit at malaki,
- bilugan at hugis almond,
- nakaluwa at nakalubog,
- malapad at makitid na mga mata.
May mga ilang style ng pilikmata ang kayang pagandahin ang mga hindi kagandahang mata, tulad ng nakalaylay na talukap ng mata, mata na natatakpan ang talukap, atbp. Kaya't mahalagang suriin ng isang lash artist kung ano ang uri ng mata ng kanyang kliyente at magmungkahi ng nababagay na style. Sa huli, ang desisyon ay laging nasa iyo, ngunit mabuting makinig sa payo ng eksperto upang maiwasan ang anumang pagsisisi pagkatapos ng proseso.
Ang mga pinakasikat na style ng extension ng pilikmata - hanapin ang bagay sa iyo!
-
Cat's eye (Mata ng pusa)
Ito ay isang sikat na style ng pekeng pilikmata, na pangunahing ginagawa sa oras ng 1:1 na paraan ng paglalagay ng extension sa pilikmata. Inilalagay ng lash artist ang pekeng pilikmata sa ating natural na pilikmata, na ginagawang unti-unting mas mahaba mula sa loob hanggang sa labas. Sa paraang ito, nagiging mas mahaba ang labas ng mata at tila makitid tingnan. Kung ang kliyente ay may natural na mahabang pilikmata, ididikit lamang ng stylist ang pekeng pilikmata malapit sa labas na sulok, upang manatiling natural ang hitsura nito.
Ang style na ito ay pinakamagandang gawin sa mga may malaki, bilugan, at makikitid na mata. Para sa mga may hugis almond na mata, mga matang natatakpan ng talukap, o nakalaylay na talukap, maaari nitong pagandahin ang hindi kagandahang hitsura.
-
Squirrel effect
Sa paraang ito ng paglalagay ng style ng pilikmata, unti-unting pinahahaba ang paglagay ng pekeng pilikmata mula sa loob. Kapag naabot na ng stylist ang pinakamataas na bahagi ng kilay, sisimulan niyang maglagay ng mas maiikling pilikmata. Ito ay para gawing mas malaki at mas bukas ang mata.
Ang style na ito ay maganda para sa mga may matang malapit sa isa't isa at nakalaylay na talukap ng mata.
-
Mga pilikmata tulad kay Kim Camellia
Ang epektong ito ay kilala rin bilang Kim's style o Kim Kardashian lashes ay madalas na gamiting paraan para sa pagpapakapal. Sobrang sikat ng style na ito ngayon. Ang Kardashian Effect ay ginagawa gamit ang paglalagay ng iba't ibang haba ng mga pilikmata, kung saan ang ilan ay ginagawang hugis abaniko. Ang style na ito ay nagbibigay ng napakagandang natural na hitsura nang hindi nagiging pare-pareho at eksaherado.
Ginagawa nitong kapansin-pansin at pinalalaki ang mga mata. Ito ay bumabagay sa lahat ng uri ng mata.
-
Eyeliner Effect (Para kang naka-eyeliner)
Ang eyeliner effect ay gumagawa ng isang 2-in-1 na epekto - ginagawa nitong kapansin-pansin ang mga pilikmata at talukap ng mata. Ang mga pilikmata ay inilalagay mula sa loob hanggang sa labas, unti-unting itong humahaba, ngunit may kaunting kulot na lumilikha ng eyeliner effect sa talukap ng mata.
Ito ay isang magandang style ngunit ito ay para lamang sa ilang partikular na kliyente. Ito ay magandang tingnan sa mga mayroong hugis almond na mata na may mataas na dulo ng mata. Para sa mga may nakalubog na mata o nakalaylay na talukap, maaari nitong papangitin lalo ang hitsura.
-
Russian Volume at Hollywood Volume
Ang style na ito ay karaniwang pinipili kapag gumagamit ng volume eyelash extension (2-8D). Ang mga pekeng pilikmata na ginagamit sa style na ito ay papaikli sa dulo ng mata, para kahit makapal ito, magmumukha pa rin itong natural at hindi mabigat sa mata. Ang mga pilikmata at linya ng pilikmata ay nagmumukhang mas makapal, na lumilikha ng magandang hugis abaniko na mga pilikmata sa ibabaw ng mata.
Ang style na ito ay dapat bigyang-pansin ng mga taong may makikitid na mata na gustong gawing mas malaki itong tingnan, at mahusay ito upang takpan ang mga nakalaylay na talukap na may malalim na mata.
Makukulay na mga pilikmata - paano palabasin ang mga mata gamit ang kulay?
Ang paglalagay ng extension sa pilikmata gamit ang makukulay na artipisyal na pilikmata ay walang kaibahan sa karaniwang paglalagay ng extension - classic, volume, o hybrid. Gayunpaman, ang makukulay na pilikmata ay mayroong tatlong uri:
- full - ang buong hitsura ay isang kulang lamang,
- mixed - pinaghahalo ng stylist ang mga kulay habang ginagawa ang proseso,
- ombre - ang mga pilikmata ay maitim ngunit sa dulo nito ay may ibang kulay,
Bihirang pumili ang mga babae ng hitsura na may isang kulay lang, dahil ang hitsura ay sobrang kapansin-pansin at hindi angkop para sa pang-araw-araw. Mas madalas, mas gusto nila ang banayad na hitsura, malayo mula sa kapansin-pansin, makukulay na hitsura. Palaging tandaan na ang extension ng pilikmata ay tumatagal lamang ng mga 4 na linggo at hindi lahat ay may kakayahang gumastos palagi dito.
Paano ibagay ang makukulay na pilikmata sa kulay ng iyong mata?
Ang makukulay na extension ng pilikmata ay isang pagpipilian para sa mga babaeng na gustong maging angat sa iba at mapansin ng lahat, ngunit may ibang pagpipilian na malapit sa natural na hitsura. Ang ilang kulay, iba mula sa kulay itim, ay idinisenyo upang bumagay sa kulay ng mata sa pamamagitan ng pagsalungat (pagsasalungat ng kulay) o upang bigyang-diin ang mata (magkakatugmang kulay). Paano pumili ng pinakababagay na kulay?
- KULAY BERDENG MATA - kasalungat na mga kulay: PULA, BROWN, PURPLE, LILAC; katugmang mga kulay: DILAW, ASUL, BERDE
- MALALIM NA KULAY BROWN NA MATA - kasalungat na mga kulay: DILAW, PURPLE, BERDE; katugmang mga kulay: BROWN, PEACH, SALMON
- KULAY ASUL, GRAY NA MATA - kasalungat na mga kulay: DILAW, BURGUNDY, PURPLE, ORANGE; katugmang mga kulay: BERDE, GRAPHITE, PINK, GRAY
- KULAY HAZEL NA MATA - kasalungat na mga kulay: BERDE, ASUL, PURPLE; katugmang mga kulay: BEIGE, BROWN, GRAY, PEACH
Makukulay na extension ng pilikmata - paano paghaluin nang maayos ang mga kulay?
Upang masiguro na hindi mukhang eksaherado ang epekto, at bumagay ang mga pilikmata para sa pang-araw-araw, ang lash artist ay dapat piliin ng maayos ang mga kulay at unti-unting ihalo ang makukulay na pilikmata upang maipakita ng maayos ang mga mata. Kalimitan ay maaari kang pumili sa pagitan ng dalawang epekto:
- ang stylist ay maglalagay ng ilang makukulay na pilikmata sa pagitan ng mga natural na lilikha ng banayad at hindi magmumukhang matapang ang napiling kulay,
- hindi maglalagay ng ibang mga kulay ang stylist ngunit pipili ng isang bahagi ng pilikmata (kadalasan ay malapit sa dulong labas ng mata) at ilalagay ang ilang pilikmata sa piniling kulay, para magkaroon ng makulay na hitsura.
Ang ilang mga kliyente na malalakas ang loob ay maaaring mahikayat na pumili ng mga solusyong medyo kakaiba, kung saan hindi nila gusto ang itim na pilikmata. Ang tatlong pinakasikat na epekto ay:
- isang buong hitsura na may iisang kulay,
- isang buong hitsura na may isang kulay ngunit pinaghahalo ang mga kulay nito,
- isang makulay na hitsura na ginawa gamit ang ilang mga kulay ng pilikmata at pinaghalo ang mga ito.