Gabay: Mga Hakbang sa Kung Paano Maglagay ng Pilikmata Sa Bahay

Gabay: Mga Hakbang sa Kung Paano Maglagay ng Pilikmata Sa Bahay

Ang mga pekeng pilikmata ay mahusay na paraan upang pagandahin ang mga mata ng bawat babae. Ngunit hindi lahat sa atin ay may oras na magpaayos sa beauty salon o kayang bumili ng mahal na extension sa pilikmata. Ngunit mayroong mga murang paraan para magkaroon ng magandang pilikmata na maaari mong gawin sa bahay nang madali.

Anong mga pekeng pilikmata ang dapat piliin?

Mayroon tayong tatlong paraan ng paglalagay ng extension ng pilikmata sa bahay:

Bawat isa sa kanila ay may iba't ibang paraan ng paggamit. Alamin mo itong mabuti at pumili kung alin ang pinakamaganda para sa iyo. Tandaan na hindi lang ang resulta ang mahalaga kundi ang buong proseso ng pag-aayos na dapat madali, mabilis, at ligtas.

DIY na kumpol ng pilikmata

Ang mga pekeng kumpol ng pilikmata para sa pagpapahaba ng pilikmata sa bahay ay itinuturing na pinakaligtas at pinakamatibay na paraan sa mga nabanggit. Ano ang mga pangunahing benepisyo nila?

  • ang mga kumpol ng pilikmata ay inilalagay sa mga manipis at malambot na strips na hindi halata kapag isinusuot,
  • ang mga kumpol ng pilikmata ay inilalagay sa ilalim ng mga natural na pilikmata na unang pinapahiran ng espesyal na pandikit upang ang pag-ayos ay magmukhang lubos na natural at hindi makita ang pinagdugsungan
  • ang mga produktong ginagamit para sa DIY na extension ng pilikmata ay hindi dumidikit sa sensitibong balat ng mga pilikmata,
  • ang paglalagay ng kumpol ng pilikmata ay tumatagal ng wala pang 10 minuto at tumatagal ng mga 5 araw,
  • maaari mong alisin ang mga ito anumang oras sa tulong ng isang remover, 
  • maraming style ang maaaring pagpipilian at makakahanap ang sinuman ng babagay sa kanila.

Ano ang mga kailangan mong gamitin para sa paglalagay ng DIY na kumpol ng pilikmata?

Para maglagay ng mga kumpol ng pilikmata sa bahay, kakailanganin mo ng higit pa kaysa sa ordinaryong pandikit at tweezers na nabibili sa botika. Bago mo subukan ang paraang ito, mahalaga na malaman mo kung ano ang mga kailangan mong produkto at kagamitan para makagawa ng maganda at pangmatagalang hitsura:

  • Mga kumpol ng pilikmata para sa paglalagay sa bahay, nakalagay sa isang maayos na lalagyan na nagpoprotekta sa kanila mula sa pinsala.
  • Isang bonder - isang espesyal na pandikit para sa sariling paglalagay ng mga extension ng pilikmata. Ang formula nito ay malagkit at hindi mabilis matuyo tulad ng ordinaryong eyelash glue. Nagbibigay ito sa iyo ng ganap na kontrol sa pinakahuling hitsura.
  • Para gawing mas madali at epektibo ang paglalagay, ang isang espesyal na hugis ng applicator para sa pekeng pilikmata ay makatutulong. Pinadadali nito ang pagkakabit ng mga kumpol ng pilikmata sa mga natural na pilikmata.
  • Isang sealer - ito ay isang fixer para sa DIY na extension ng pilikmata. Ilagay ito sa mga pilikmata matapos ang paglalagay para maalis ang malagkit na pakiramdam ng bonder at ayusin ang style.
  • Isang remover ng pekeng pilikmata na tutulong sa iyo na alisin ang mga kumpol sa anumang oras nang ligtas at madali. Ito ay inilalagay sa ilalim ng mga pilikmata at pagkatapos ng ilang sandali, ang mga kumpol ay dahan-dahang natatanggal mula sa talukap ng ating mata.

Ang mga manufacturer ng mga DIY na kumpol ng pilikmata ay nag-aalok ng mga nabanggit na produkto at espesyal na applicators sa kanilang mga tindahan. Mayroon din silang mga starter kit na may kasamang lahat ng kinakailangang kagamitan pati na ang napiling style ng mga pilikmata. Ang presyo ng mga ganitong kit ay hindi mahal at ang mga produkto na kasama dito ay tumatagal para sa maraming paggamit.

Paano maglagay ng DIY na kumpol ng pilikmata?

Ang paglalagay ng mga kumpol ng pekeng pilikmata para sa sariling paglalagay sa bahay ay madali at kumportable. Sa mga simpleng hakbang na ito, magkakaroon ka ng kumpyansa na ang iyong hitsura ay mananatiling maganda at tatagal hanggang 5 araw!

HAKBANG 1: Linisin ng mabuti ang iyong mga pilikmata. Maaari kang gumamit ng espesyal na shampoo para sa pilikmata at kilay upang maihanda ito nang maayos para sa paglalagay.

HAKBANG 2: Ilagay ang iyong DIY na kumpol ng pilikmata gamit bonder. Ilagay ito sa buong haba ng iyong pilikmata o mula sa ugat hanggang sa kalahating pababa (pinakamabuti na baguhin ang paraan ng paglalagay ng bonder sa haba ng iyong natural na pilikmata) at maghintay ng 15-20 segundo. Hindi nawawala ang lagkit ng bonder at hindi natutuyo, kaya madali mong mailalagay ang iba pang kumpol kung gusto mo ito.

HAKBANG 3: Hawakan ang kumpol sa base nito (huwag hawakan ang mga dulo dahil maaari mong masira ang sensitibong kumpol) at, tumingin pababa o bahagyang igalaw pataas ang talukap, ilagay ang mga pilikmata sa ilalim ng iyong natural na pilikmata. Panatilihin ang layo na 1 mm mula sa linya ng pilikmata. Kung maayos na nakakabit ang kumpol, magpatuloy sa susunod na kumpol.

HAKBANG 4: Sa tuwing maglalagay ka ng kumpol ng pilikmata at pakiramdam mo ay kuntento ka na dito, gamitin ang espesyal na applicator upang pagdikitin ang mga pilikmata. Inaayos nito ang style at pinagsasama ang peke at natural na pilikmata. Kapag nailagay na ang lahat ng pilikmata, pagdikitin muli ang mga ito gamit ang applicator.

HAKBANG 5: Pagkatapos makumpleto ang paglalagay, oras na upang bawasan ang malagkit na pakiramdam ng bonder. Gamitin ang sealer para dito. May espesyal na brush ang produktong ito na pwede mong gamitin sa mga lugar kung saan mo inilagay ang bonder. At tapos na!

Kung gusto mong tanggalin ang mga pilikmata, gamitin lamang ang remover ng pekeng pilikmata. Pagkatapos ilagay ito sa iyong mga pilikmata, maghintay ng mga 30 segundo at dahan-dahang hilahin ang mga kumpol. Pagkatapos, tanggalin ang iyong makeup gaya ng karaniwan mong ginagawa.

Mga Strip na Pilikmata

Gaya ng ipinapahiwatig ng pangalan, ang mga strip na pilikmata ay mayroong isang mahabang itim na strip na inilalagay natin sa talukap ng ating mata. Mayroong maraming iba't ibang style ang strip na pilikmata na madaling ibagay sa anumang okasyon.

Paano ilagay ang mga strip na pilikmata?

Bago mo simulan ang paglalagay ng ganitong uri ng pilikmata, subukan mo muna ito sa iyong mata. Maaaring masyadong mahaba ang mga strip kaya kailangan itong putulin. Mag-ingat na huwag masyadong mahaba ang putulin dahil maaaring hindi maging maganda ang kalalabasan. Napaka-simpleng gawin ng mga hakbang sa paglalagay ng mga strip na pilikmata:

  • Linisin ang talukap ng iyong mata mula sa anumang tirang produkto.
  • Maglagay ng kaunting pandikit sa strip na pilikmata.
  • Idikit ang strip sa talukap ng mata sa ibabaw lang ng linya ng iyong mga pilikmata.

Maaaring magkaroon ka ng ilang problema habang naglalagay ng strip na pilikmata. Maaaring masyadong mataas o masyadong mababa ang pagkakalagay nito at maaaring gumalaw ito, mamantsahan ng pandikit ang talukap ng iyong mata. Kapag sinusubukan mong ilagay nang maayos ang strip malapit sa isang sulok ng mata, maaaring matuyo na ang pandikit sa kabila, kaya hindi maganda ang pagkakadikit ng mga pilikmata sa balat. Tandaan na tanggalin ang strip na pilikmata bago matulog.

Mga magnetic na pilikmata

Ang malaking kaibahan ng mga magnetic na pilikmata ay hindi ito nangangailangan ng pandikit. Kailangan mo ng espesyal na eyeliner na may iron particles upang ikabit ang strip sa iyong talukap ng mata. Mayroon itong mga maliit na magnet na idinisenyo para sa paglalagay ng eyeliner.

Paano ilagay ang mga magnetic na pilikmata?

Ang paglalagay ng pekeng magnetic na pilikmata ay napakadaling gawin at nangangailangan lamang ng tatlong madaling hakbang:

  • Una, nilalagyan muna ng espesyal na eyeliner na may iron particles. Maaari mo rin itong ilagay sa ibabaw ng iyong eye makeup kaya hindi kinakailangan na linisin nang husto ang balat bago ito ilagay.
  • Gamit ang tulong ng espesyal na eyeliner, gumuhit ng linya sa mata. Nasa iyo kung gusto mong ang linya ay magmula sa isang sulok ng mata hanggang sa kabilang sulok, o baka gusto mong magdagdag ng mas maraming detalye.
  • Hintayin na matuyo ang eyeliner at ilapit ang magnetic na pilikmata dito. Dapat madaling dumikit ang mga magnet sa eyeliner. Kung ang mga pilikmata ay dumikit sa talukap ng mata ng hindi pantay, tanggalin mo ito agad at subukang muli.

May nagtanong - ang mga magnetic na pilikmata ba ay para sa lahat? Upang siguruhing dumidikit ang mga pilikmata sa talukap ng mata, kailangan mo ng tamang dami ng eyeliner. Ang manipis na linya ay maaaring hindi sapat at hindi lahat ng babae ay gusto ang makapal at mahabang linya. Hindi palaging sakto ang hugis ng eyeliner sa hugis ng mata, kaya maaaring hindi ito magiging maganda para sa may mga bagsak na talukap. Ayon sa maraming gumagamit, hindi gaanong mabango ang amoy ng eyeliner at ang applicator nito ay hindi masyadong magandang gamitin.

Buod - aling mga pilikmata ang dapat piliin para sa sariling paglalagay ng extension ng pilikmata sa bahay?

Ang mga kumpol ng pilikmata para sa sariling paglalagay ng extension ng pilikmata sa bahay ay tila ang pinakamahusay na pagpipilian. Napakadali nilang ilagay, may maraming style na pagpipilian, at sinisiguro ng mga gumawa na kaya itong gamitin ng sinuman. Bukod pa rito, hindi ito mahal kaya't sulit ang bawat pagbili. Sa pagbili ng isang kit para sa extension ng pilikmata, madaling maglagay ng mga pilikmata ng paulit-ulit at ligtas pa ito para sa mga mata.



Magsulat ng komento. Ipo-post ito sa sandaling maaprubahan ng moderator.
Privacy policy

Our website uses cookies, also third party cookies to use external tools. In case the user doesn’t give their consent, only the essential cookies are used. You can change the settings in your browser at any time. Do you give your consent to use all cookies?

Privacy policy