Ang mga eyelash artist ay maaaring lumikha ng magagandang hitsura ng pilikmata na tumatagal ng ilang linggo at makatipid ng oras sa ating pagme-makeup sa umaga. Gayunpaman, para maging lubos na epektibo ito - kailangan nila ng mahusay na tweezer ng pilikmata. Alamin kung bakit napakahalaga ng mga kagamitang ito para sa paglalagay ng extension sa pilikmata.
Ano ang pagkakaiba ng tweezer para sa paglalagay ng extension sa pilikmata at karaniwang tweezer?
Sa unang tingin, kung hindi ka pamilyar dito, ang pagkakaiba ay nasa hitsura lamang. Ang mga karaniwang tweezer, na malamang na mayroon ka sa iyong makeup bag, ay maliit, at ang kanilang mga dulo ay dapat magkatugma nang maayos upang eksaktong makuha ang maliliit na bagay, tulad ng mga hindi kanais-nais na buhok sa kilay.
Ano ang gamit ng mga tweezer para sa mga extension ng pilikmata? Ang mga kagamitan na mayroon tayo sa merkado ay talagang mahuhusay. Ang mga materyales na ginamit sa paggawa nito ay may pinakamataas na kalidad dahil responsable ang mga ito para sa kaginhawahan ng stylist at ng kanyang kliyente. Tinitiyak nila ang eksaktong pagkakahawak ng bawat pekeng pilikmata, nilalagyan ang mga ito sa pandikit, at inilalapat ang mga ito sa natural na pilikmata. Ang mga tweezer para sa extension ng pilikmata ay napakagaan at flexible - at madaling gamitin. Bakit nga ba ito mahalaga?
Tweezer sa paglalagay ng extension sa pilikmata - isang extension ng kamay ng isang propesyonal
Mula noong 2005, mula noong nagsisimula pa lang ang paggamit ng mga extension ng pilikmata (pangunahin sa pamamagitan ng klasikong pamamaraan), patuloy na sumisikat ang paraang ito, ngunit kakaunting kliyente ang gustong subukan ito noon. Gumamit ang mga stylist ng Norwegian steel tweezers, na siyang pinakamagandang gamitin noong panahong iyon, medyo mabigat ito. Habang dumarami ang gumagawa at nagpapagawa nitu, mas maraming kliyente na ang mga beauty salon, at dahan-dahang naramdaman ng mga lash stylist ang pagkapagod na dulot ng patuloy na paggamit sa gayong mga tweezer.
Kaya ngayon, gumagamit sila ng mga magaan at maayos na kagamitan na hindi napapagod ang pulso o daliri ng stylist sa mahabang oras ng paglalagay ng style sa mga pilikmata. Ang dulo ng tweezer sa paglalagay ng extension ng pikimata ay iba't iba, kaya maaaring subukan ng bawat lash artist ang iba't ibang bersyon at pumili ng mga kagamitan na gagawin ang kanyang trabaho nang mahusay at komportable.
FUN FACT: Tulad ng ating mga kamay, nasasanay rin sa bigat ang ating mga daliri sa mga tweezers para sa pilikmata. Kaya tuwing bibili ka ng bagong tweezer para sa pilikmata, kahit galing ito sa parehong brand at may eksaktong parehong mga tampok, sa simula, pakiramdam mo ay parang hawak mo ay ibang tweezer sa iyong kamay. Ang kagamitan na ito ay umaangkop sa ating mga kamay at sa ating trabaho.
Tweezer para sa paglalagay ng extension sa pilikmata - anong mga uri ang kaya nating tukuyin?
Ang paglalagay ng mga extension sa pilikmata ay nangangailangan ng hindi lamang kasanayan at pasensya kundi pati na rin ang mga tamang kagamitan. Ang mga tweezer ng pilikmata ay isang mahalagang bahagi ng prosesong ito, kaya ang bawat lash stylist ay dapat magkaroon ng marami at iba't ibang supply ng mga ito. Nahahati ang mga ito sa dalawang uri:
- straight tweezers: ang kanilang pangunahing ginagawa ay paghiwalayin ang mga pilikmata; ang mahahaba at matutulis na mga dulo ng mga tweezers na ito ay dumudulas sa pagitan ng mga pilikmata, kaya maaari nating paghiwalayin ang pilikmata, kung saan agad nating ididikit ang isang pekeng pilikmata o isang kumpol ng pekeng pilikmata.
- curved tweezers: medyo iba ang kanilang ginagawa, dahil ginagamit sila upang kunin ang mga pilikmata mula sa tray, ilapat ang mga ito sa tunay na mga pilikmata, at higit sa lahat - gawing mas madali para sa atin na lumikha ng mga pilikmata na hugis abaniko.
TIP: Ang mga curved tweezer ay nagkakaiba hindi lamang sa mga dulo kundi pati na rin sa disenyo ng buong hawakan. Sila ay papaliit sa lugar na nagpapakita kung saan dapat ilagay ang bigat kapag ginagamit sila. Kapag nais nating isara ang tweezers, dito natin pinakamalakas na pipisilin ang ating hinlalaki. Gayunpaman, kailangan maging maingat at baguhin ang pwersa ng iyong paggamit sa uri ng iyong tweezers. Kung ang pwersa ay sobrang lakas, maaaring magsimulang magdoble o pumihit ang mga flexible tweezers at hayaan ang mga pilikmata na lumusot, sa halip na mahigpitan sila nang maayos.
Ano ang dapat bigyang-pansin kapag pumipili ng tweezers para sa paglalagay ng extension sa pilikmata?
Ang pagpili ng tweezers para sa paglalagay extension sa pilikmata ay nakadepende sa mga kagustuhan at pamamaraan ng stylist na nabuo sa pamamagitan ng mga taon ng karanasan. Hindi nangangahulugan na ang hugis ng dulo ng tweezers (isang hoof, hugis-L, o isang 40° na anggulo) ay katugma ng partikular na pamamaraan ng extension. Ang mga tweezers ay may iba't ibang mga hugis ng dulo upang ang bawat lash artist ay makahanap ng tamang kagamitan para sa kanilang sarili.
Alamin kung ano ang dapat bigyang-pansin kapag pumipili ng mga tweezer:
- Ang materyales ng tweezers para sa pilikmata. Ang stainless o surgical steel ang pinakamahusay na pagpipilian, dahil ang tweezers ay mas magiging matibay, hindi basta nasisira, at magagamit mo ng mas mahabang panahon. Bukod pa rito, ang paglilinis sa kanila ay magiging mas madali.
- Ergonomics ng tweezers para sa pilikmata. Bago ka magdesisyon na bumili ng partikular na tweezers, suriin kung ang kanilang hugis ay komportable sa iyo. Ito ang susi sa magandang style sapagkat ang mga tamang hugis ng kagamitan ay nagpapadali sa iyong trabaho at hindi nagbibigay ng pagod sa iyong pulso.
- Ang lakas ng paghakab ng tweezers para sa pilikmata. Ito ay lubos na mahalaga, at mabuting pumili ng tweezers na may banayad na lakas ng paghakab. Nais naming ipaalala sa iyo na ang paglalagay ng style sa pilikmata ay nangangahulugan ng maraming oras na kailangan mong gugulin at hindi dapat mapagod ang iyong mga kamay sa paggawa nito.
- Ang disenyo ng tweezers. Piliin ang simpleng disenyo at pumili ng mga simpleng silver tweezer na walang anumang dekorasyon tulad ng pintura sa mga hawakan na matutuklap kapag nililinis ito at hindi na magmumukhang maganda. Katulad nito, iwasan ang galvanized tweezers (kulay na ginto) o yaong gawa sa "rainbow" na bakal. Ang paglilinis ng mga tweezer sa isang sonic washer o may matapang na kemikal ay magdudulot ng pagkupas ng kulay.
- Dapat gawang-kamay ito. Kapag bibili ka ng tweezers na gagamitin mo para sa masinsin na trabaho, kailangan mong tiyakin na maayos ang hugis at maganda ang kalidad nito. Ang mga tweezers na gawang-kamay lamang ang mahusay na sinuri at sinubukang mabuti.
Tweezer para sa paglalagay ng extension sa pilikmata - ano ang pagkakaiba sa pagitan ng single-pin at double-clamp na tweezer?
Ang mga tweezers para sa pilikmata ay mayroong single-pin at double-contact. Ang clamp ay kung saan nagsasara ang tweezers. Ito lamang ang pangunahing teknikal na bahagi ng tweezers na tumutukoy sa kanilang paggamit.
- Single pin na tweezers - kapag isinara mo sila, agad na nagdidikit ang dulo nito.
- Double-clamp na tweezer - kapag isinara mo ito, ang mga dulo ng tweezers ay nagtatagpo lamang sa isang lugar, at kapag dinagdagan ang pwersa (paghigpit sa tweezer), ang parehong dulo nito ay nagdidikit magkasama.
Ano ang ibig sabihin nito kapag ginagamit na ito? Ang mga single-pin na tweezer ay tiyak na gumagawa ng maayos na pagkuha at paglagay ng mga pilikmata. Maaari silang gamitin kapag gumagawa ng lash fans gamit ang rolling on a strip o interleaving na paraan. Ang mga double-clamp na tweezer ay madaling nakakagawa ng lash fans gamit ang shimmy na paraan, kaya naman ito ang pinakapopular at pinakamabilis na paraan ng paggawa ng mga eyelash fans. Paano gumagana ang iba't ibang pamamaraan na ito?
Mga paraan sa paggawa ng pilikmata na hugis abaniko
Mayroong 5 paraan sa paggawa ng mga pilikmata na hugis abaniko, ito ay ang mga sumusunod:
- Ang shimmy na paraan -gamit ang double-clamp na tweezer, kumuha tayo ng dami ng mga pilikmata na gusto nating ilagay na makikita sa isang pandikit na strip. Dahan-dahan nating higpitan ang tweezer (upang ang mga pilikmata ay nasa gitna ng dalawang dulo) at sa kaunting paggalaw ng tweezer sa magkabilang gilid hanggang sa kumalat ang mga pilikmata at makabuo ng hugis abaniko. Pagkatapos ay mas higpitan pa natin ang tweezer, tuklapin ang fan mula sa strip, at ilagay ito sa mata.
- Ang lean and pick-up na paraan - itong paraan ay nilikha para sa mga 2D lashes. Dito, kinakailangan ang pag-kuha ng dalawang pilikmata mula sa gilid ng lash strip gamit ang tweezers at pag-alis sa kanila sa pamamagitan ng parang paghila. Dapat lang itong gawin nang maingat upang hindi masira ang mga sensitibong pilikmata.
- Ang rolling on the strip na paraan - alisin ang kinakailangang dami ng mga pilikmata mula sa strip ngunit hanggang kalahati lamang ng kanilang haba upang hindi sila tuluyang maalis mula sa strip. Pagkatapos, gamit ang mga dulo ng tweezer, dahan-dahang ikiskis ang mga pilikmata hanggang sa maging hugis abaniko ito, isara nang husto ang tweezer, at alisin ang lash fan upang ilagay ito sa mga natural na pilikmata.
- Interleaving na paraan - hawakan ang piniling bilang ng mga pilikmata mula sa glue strip at ilagay ang mga ito nang kaunti pa sa strip. Ito ay upang madagdagan ang kakayahang bumuo ng isang lash fan. Gamit ang dulo ng tweezers, ihiwalay ang lash fan, at pagkatapos ay ilagay ang nabuong fan sa mga pilikmata.
- Ang paraan gamit ang daliri - alisin ang kinakailangang dami ng mga pilikmata gamit ang tweezer at bumuo ng lash fan gamit ang mga daliri.
Ang paglikha ng mga lash fan ay isang sining na nangangailangan ng katiyakan at pagsasanay. Ang iba't ibang mga pamamaraan ay nagbibigay ng iba't ibang mga epekto, mula sa natural na hitsura ng mga pilikmata hanggang sa mga ekspresibong estilo ng pilikmata. Bawat pamamaraan ay nangangailangan ng kahusayan, at ang pagpili ng tamang paraan ay minsan ay nakasalalay sa nais na epekto, ang uri ng mga pilikmata na ginagamit, at ang personal na mga kagustuhan ng lash artist at ng kanyang kliyente.