May ilang paraan sa pagkukulay ng mg pilikmata at pagmukhain itong makapal. Gumagamit tayo ng mascara sa araw-araw para magawa ito, ngunit may iba na matiyagang nag-aantay ng resulta gamit ang eyelash serum o kaya castor oil. Paano kung mas gusto mo ng mas pangmatagalan na epekto at mas mabilis na resulta kaysa sa mascara? Matutulungan ka na ng henna at pangtina ng pilikmata!
Pampakulay ng pilikmata - pulbos na henna, gel na henna, o pangtina ng pilikmata?
Simulan natin sa kung ano ba talaga ang henna. Ito ay gawa sa pulbos ng mga dahon ng Lawsonia at ginagamit upang kulayan ang mga pilikmata, buhok, at kilay. Ang pagkukulay gamit ang henna ay lubos na iba sa karaniwang nakasanayang pagpapakulay ng buhok, sapagkat:
- kapag inihalo ang henna sa hydrogen peroxide, mababalutan nito ang buhok mula sa labas at magkakaroon ito ng ibang kulay, pakakapalin din ito at mas lalong patitibayin
- ang tina na hinaluan ng oxidizer ay pumapasok sa buhok at permanente nitong papalitan ang kulay
Pampakulay ng pilikmata - ano ang kasama nito?
Ang pagkukulay ng pilikmata gamit ang pulbos ng henna ay may mga kasamang mga pinulbos na herbal.Na kapag inihalo ang mga ito sa demineralized water, hydrogen peroxide, o hydrolase gaya ng rose water, ay makakagawa ng paste na pampakulay sa buhok at balat. Na kapag iniligay sa malinis na buhok, ito ay kakapit ng husto at mapapalitan ang kulay ng buhok. Ang magandang epekto ng henna ay mas pinagmumukha nitong mas makapal o mas mahaba ang mga pilikmata o kilay.
Sa kabilang banda, ang henna na gel, ay isang produktong nalikha gamit ang mga likas na halaman. Gayunpaman, maaaring magkaroon ito ng karagdagang mga sangkap na mas lalong nagpapaganda at nagpapatingkad ng kulay. Sa ganitong pagkakataon, binabalutan din ng henna na gel ang buhok mula sa labas at mas pinagmumukhang mas makapal.
Ang mga pampakulay ng pilikmata at kilay ay mga produktong kemikal. Karamihan sa mga ito ay may kasamang dalawang component form - ang pakete na may kasamang amonia at ang pangtina, na nakalagay sa isang tube o sachet, pati na rin ang oxidizer na nasa isang bote. Ang pagtitina gamit nito ay mas maganda at hindi nagmamantsa sa balat, di gaya ng henna. Hindi nito pinapakapal ang buhok at kadalasan na ginagamit sa pag-lift at pag-laminate ng mga pilikmata upang mas pagandahin at mas paitimin ang mga buhok sa pilikmata.
Pagkukulay ng mga pilikmata sa bahay
Ang paggamit ng henna para sa pilikmata sa bahay ay napaka-simple at abot-kaya sa bulsa. Madaling mabibili online at sa mga lokal na botika ang pulbos na henna, gel na henna, at mga pangtina sa pilikmata sa napakababang presyo. Ang mga produktong ito ay may iba't ibang kulay (itim, dark brown, light brown, pula, atbp.), kaya maaari kang pumili ng nababgay sa iyo. Ang mga produkto ay kalimitang magagamit sa pagtitina ng pilikmata at mga kilay.
Paano paghahandaan ang pagtitina ng mga pilikmata sa bahay?
Bago magtina ng iyong mga pilikmata, mahalagang gawin ang ilang mga simpleng hakbang, tulad ng:
- Bago ilagay ang henna o pangtina, ihanda ang mga ito ayon sa kanilang mga tagublin, at linisin ng maigi ang iyong mga pilikmata. Magandang ideya din na tanggalin ng maigi ang iyong makeup at linisin ang mga buhok ng pilikmata at kilay gamit ang shampoo para dito upang makasigurado ka na walang mga langis at duming natira sa kilay at pilikmata.
Tip: Kung plano mong gumamit ng henna sa pagkukulay ng iyong mga kilay, magandang ideya na ayusin ang pag-scrub dito bago ito gawin. Tinatanggal nito ang mga tuyong balat at magkakaroon ka na ng magandang base para mas kapitan ng henna ang balat.
- Mahalaga na protektahan ang balat sa paligid ng mga mata, kasama na ang mga talukap ng mata. Ang henna ay nag-iiwan ng mantsa sa balat, na kapaki-pakinabang kapag magtitina ng mga kilay, ngunit hindi ito pareho sa mga pilikmata. Maaari kang gumamit ng Vaseline o isang oil cream para dito.
- Ang henna at mga pangtina ay direktang inilalagay sa mga pilikmata. Maaari mong gawin ito nang walang karagdagang proteksyon ngunit nirerekomenda namin ang paggamit ng cotton pads para dito. Basain mo lamang ito nang mabuti at ilagay sa ibaba ng talukap ng mata. Ito ay magproproteksyon sa balat at magpapadali sa paglagay ng henna sa mga pilikmata.
Paano magtina ng iyong kilay ng mag-isa, mga hakbang?
Ang paglalagay ng henna sa pilikmata ng mag-isa ay napakadali. Kapag naihanda mo ng maayos ang mga pilikmata at kilay gamit ang mga naunang hakbang, maaari ka ng magsimula.Nirerekomenda namin na gawin ang paghehenna sa isang mata muna at sa kabila naman pagkatapos kung wala kang makakatulong sa paggawa nito.
HAKBANG 1: Ihanda ang henna ayon sa mga tagubilin ng gumawa. Maaari kang gumamit ng baso para dito, o anumang brush o cotton bud. Tandaan na haluin nang mabuti ang mga sangkap lalo na kung pulbos na henna ang gagamitin.
HAKBANG 2: Ilagay ang naihandang basang cotton pad sa ilalim na bahagi ng talukap ng iyong mata.
HAKBANG 3: Ipikit ang mata at simulan ang paglalagay ng henna. Subukan na pantay-pantay ang pagkakalagay ng produkto sa lahat ng mga pilikmata.
HAKBANG 4: Iwanan ang henna sa iyong mga pilikmata sa loob ng 15 minuto, tiyakin na sundin ang rekomendasyon ng tagagawa! Kadalasan ang inirerekomendang oras ay 10 minuto o 30 minuto. Ito ay may malaking epekto sa proseso ng pagtitina.
HAKBANG 5: Maingat na banlawan ang henna gamit ang maligamgam na tubig. Subukan na huwag itong makapasok sa iyong mata at huwag kusutin ng madiin ang iyong mga pilikmata. Ang henna ay katulad ng putik at madali itong banlawan.
Tapos na isang pilikmata. Pagkalipas ng ilang sandali, lumipat sa kabilang mata. Para makasigurado na ito ay tatagal, iwasan ang sobrang pagbasa sa mga pilikmata (iwasan ang swimming pool, matagal na paliligo, sauna) sa unang 24 na oras.
Pampakulay ng pilikmata - mga epekto
Talaga namang napakaganda ng resulta ng paghehenna ng pilikmata. Ang mg buhok sa pilikmata ay mas makapal, maitim, makintab, at moisturized. Mas makapal tingnan ang linya ng pilikmata. Bagaman hindi masyadong halata ang henna sa pilikmata, ito ay talaga namang napakaganda sa paningin sa pamamagitan ng ibinibigay nitong depinisyon, at maaari mo ng kalimutan ang paggamit ng mascara.
Maaaring hindi pinapakapal ng pagtitina ng pilikmata ang mga buhok nito, ngunit ginagawa nitong mas makapal ang linya ng pilikmata sa pamamagitan ng pagpapatingkad sa kulay ng pilikmata, na mas nagpapatalas sa frame ng mata.
Pampakulay ng pilikmata - gaano katagal ito?
Karaniwang tumatagal ng hanggang sa 3 linggo ang epekto ng pampakulay ng buhok sa pilikmata. Dahil sa natural na life span maaaring malagas ang mga pilikmata, maaari mong ulitin ang pagtitina ng pilikmata pagkalipas ng isang buwan. Dahan-dahan at natural na kukupas ito, kaya hindi mo kailangang mag-alala na mas papangit ito paglipas ng ilang sandali. Maaari kang maglagay ng mascara o gumamit ng curler para sa pilikmata, hindi nito mababago ang resulta.
Pangangalaga sa mga Pilikmata Matapos ang Pagkukulay
Ang mga pilikmatang may tina ay hindi nangangailangan ng karagdagang panggagalaga, ngunit hindi rin ito masama. Kung nais mong mas pagandahin ang iyong mga pilikmata, gamitin ang eyelash serum ng Nanolash at ilagay ito sa linya ng pilikmata. Kadalasang inaalis ng mga langis ang henna sa pilikmata kung kaya maaari mong paikliin ang tagal ng iyong pagtitina.
Tandaan din na ingatan ang iyong mga pilikmata kapag nag-aalis ng iyong makeup. Ang pagkusot dito ay hindi maganda.
Pampakulay ng pilikmata - mayroon bang mga dapat iwasan?
Bagaman ang henna ay isang natural na pampakulay at walang halong ammonia, maaari itong makaapekto sa ating katawan. Laging tingnan ang formula ng produkto at suriin kung mayroong mga sangkap na maaaring magdulot ng allergy.
Tandaan na huwag gumamit ng henna pagkatapos magpa-laminate ng mga pilikmata o kaya ipang ibabaw ito sa eyelash lift o botox! Ang mga ganitong pamamaraan ay may halong kemikal na produkto na inilalagay sa mga pilikmata. Maaari silang patuyuin ng henna. Laging makinig sa mga rekomendasyon ng iyong lash artist.
Hindi rin inirerekomenda ang pagkukulay sa pilikmata gamit ang henna o pang-tina habang may impeksyon o namamaga ang mga mata, upang hindi lumala ang kondisyon.
Pagkukulay ng pilikmata habang pinapataas at pinapalamina ang pilikmata
Pagkatapos pataasin at magpalamina ng pilikmata, mas mabuti na bigyan ang iyong mga pilikmata ng sapat na oras upang makapag pahinga. Gaya ng nabanggit natin kanina, sa mga oras na ito, ang mga pilikmata ay sumasailalim sa mga kemikal na proseso na hindi tumutugma sa herbal na pagtitina. Sa kabaligtaran, ang mga pilikmata na dumaan sa kemikal na proseso ay nangangailangan ng hydration.
Ang pagtitina ay hindi na dapat pinag-iisipan pa. Habang nagsasagawa ng pagpapataas at paglamina ng pilikmata, ang mga eyelash artist ay kadalasang nag-aalok ng pagtitina sa parehong oras. Bagamat ang pagpapataas at pagpapalamina mismo ay may napakagandang epekto sa pagpapaganda ng mga pilikmata, ang karagdagang pagtina gamit ang tamang kulay ay maaaring mas lalong magpaganda sa epekto nito.
Ang pagpapataas at paglamina ng kilay sa bahay
Sa loob ng ilang panahon, naging posible at abot-kaya ang pagpapataas at paglamina ng kilay sa bahay. Sinubukan ng ilang tagagawa na matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga customer at lumikha ng espesyal na mga lash lift kit. Maaari itong gamitin, siyempre, ng mga propesyonal, ngunit maaari mo din itong gamitin. Ang mga kit na ito ay may kasamang malinaw at simpleng mga hakbang na tagubilin, na nagpapadali sa paggamit. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagpapataas at paglamina ng kilay sa bahay, tingnan ang post na ito.
TANDAAN: Hindi lahat ng mga kit ay kasama ang pangtina sa pilikmata, kaya magandang ideya na bilhin ito nang mas maaga.