Mga Paraan ng Paglalagay ng Extension sa Pilikmata - Alamin Ang Mga Pinakasikat na Pamamaraan

Mga Paraan ng Paglalagay ng Extension sa Pilikmata - Alamin Ang Mga Pinakasikat na Pamamaraan

Ang pagpapahaba ng pilikmata ay isa sa mga popular na serbisyo sa mga beauty salon ngayon. Maraming kababaihan ang nag-iisip kung ang pagpapahaba ng pilikmata ay para sa kanila. Ngunit dapat ba silang mag-alala tungkol dito? Sa ngayon, matututunan mo ang tungkol sa pagpapahaba ng pilikmata, kasama na ang mga paraan na maaari mong gawin sa bahay.

Mga extension ng pilikmata - magagandang pilikmata para sa lahat

Ang mga pekeng pilikmata ay hindi na dapat iugnay sa labis at hindi natural na epekto. Ang mga modernong paraan ng pagpapahaba ng pilikmata ay magkakaiba at binuo upang bumagay sa bawat uri ng mata at masiyahan ang bawat kliyente. Dahil sa kanilang tibay at ganda, ito ang dahilan kung bakit palaging puno ang mga beauty salon. Bukod pa dito, maaari ka ring pumili mula sa mga strip lashes, magnetic na pilikmata, at ang sikat na - kumpol ng pilikmata para sa DIY na pagpapahaba ng pilikmata sa bahay. Kaya't maraming mapagpipilian!

Mga paraan ng pagpapahaba ng pilikmata

Mayroong tatlong pangunahing paraan ng pagpapahaba ng pilikmata - classic, volume, at hybrid. Ang pagkakaiba sa pagitan ng mga paraang ito ay nakasalalay sa bilang ng mga pilikmata na ginamit at kanilang uri. Sa tulong ng bawat isa sa kanila, maaari kang lumikha ng iba't ibang magagandang hitsura.

  • Mga extension ng pilikmata - klasikong pamamaraan

Ang klasikong paraan ng paglalagay ng extension sa pilikmata ay kadalasang tinatawag na 1:1 na paraan ng pagpapahaba ng pilikmata dahil kinapapalooban ng paglalagay ng isang pekeng pilikmata sa isang natural na pilikmata. Ang pangunahing resulta ng pamamaraang ito ay isang napaka-natural na epekto na parang naka-mascara, malantik, at mas mahabang pilikmata, at isang mas makapal na linya ng pilikmata.

  • Mga extension ng pilikmata - paraan ng pagpapakapal

Ang paraan ng pagpapakapal ay naglalayong gawing mas makapal ang mga pilikmata. Nahahati ito sa mga magagaan na volumes (2D, 3D) at malalaking volumes (4-8D). Katulad ng klasikong pamamaraan, ang mga pekeng pilikmata ay idinidikit sa mga tunay na pilikmata. Sa kasong ito, higit sa isang pekeng pilikmata ang nakakabit sa isang natural na pilikmata (2D - dalawang pekeng pilikmata sa isang tunay, 3D - tatlong pilikmata sa isa, atbp.). Ang mga epekto ng paraan ng pagpapakapal ay mas kapansin-pansin kaysa sa kaso ng 1:1 na paraan. Ang mga pilikmata na pinili para sa pamamaraang ito ay kadalasang mas magaan at mas makitid sa base upang hindi mabigatan ang mata at magmukhang natural pa rin.

  • Mga extension ng pilikmata - hybrid na pamamaraan

Ang paggamit ng hybrid na pamamaraan sa paglalagay ng extension sa pilikmata ay ginagawa sa pamamagitan ng paghalo ng haba at kapal ng mga pekeng pilikmata na inilalagay. Ang isang mas makapal na pekeng pilikmata ay ikinakapit sa isang tunay na pilikmata, pagkatapos ay ilang mas manipis na pilikmata ang ikinakapit sa susunod na tunay na pilikmata. Makakakuha ka ng halos hindi gaanong kapal habang pinapanatili ang epekto nito na kasing natural hangga't maaari.

Gusto mo bang malaman pa ang tungkol sa mga pinakasikat na style ng pilikmata? Tingnan ang aming post.

Ano ang iba pang mga paraan ng paglalagay ng extension sa pilikmata ang nakikilala natin?

  • DIY na kumpol ng mga pilikmata

Ang mga DIY na kumpol ng pilikmata na maaaring gawin sa bahay ay isang bagong paraan ng mabilis na pagpapahaba ng pilikmata. Ang mga pekeng pilikmata ay nakalagay sa maikling at malambot na strip. Hindi tulad ng karaniwang strip eyelashes, inilalagay ang mga ito sa ilalim ng tunay na pilikmata. Ito ay napakahalaga upang magmukhang natural ang epekto at hindi makita ang mga dugsungan ng mga pilikmata. Madali ring hatiin ang mga ito habang inilalagay. Kakailanganin mo ng ilang gamit para sa paglalagay ng iyong DIY na kumpol ng pilikmata. Maaari mong bilhin ang mga ito nang hiwalay o sa mga espesyal na kit. Ang mga ito ay:

  1. Isang bonder na pumalit sa nakasanayang pandikit sa pilikmata. Ito ay inilalagay sa buong haba ng natural na pilikmata o mula sa ugat hanggang sa kalahati ng kanilang haba (nasa sa iyo kung anong pipiliin mo), at ang malagkit na formula nito ay nagpapahintulot sa iyo na ikapit ang pekeng kumpol sa tunay na pilikmata. Ang pandikit na ito ay hindi natutuyo habang inilalagay mo ang mga pilikmata, kaya hindi mo kailangang magmadali at mag-alala na hindi maayos na nakakabit ang mga ito.
  2. Isang sealer na nag-aalis ng lagkit ng bonder pagkatapos mailagay ang mga kumpol ng pilikmata. Ginagawa rin nitong mas matibay ang magiging hitsura ng extension ng pilikmata. Ito ay inilalagay sa mga pilikmata kung saan naunang nilagyan ng bonder.
  3. Isang ergonomic na applicator na nagpapadali sa pagkakabit ng pekeng pilikmata sa tunay na mga pilikmata. May espesyal na hugis ang mga dulo nito na nagpapadali sa paglalagay at nagtitiyak na maganda ang pagkakadikit ng mga pilikmata.
  4. Ang isang remover ay isang produktong tutulong sa iyo na alisin nang mabilis at madali ang mga kumpol ng pilikmata.

Ang mga DIY na kumpol ng pilikmata ay isang magandang solusyon para sa sinumang gustong mas tumagal ang extension kaysa sa strip o magnetic na pilikmata. Ang mga kumpol ng pilikmata ay maaaring tumagal ng mga 5 araw, at kung maingat kang mag-alaga, maaaring mas tumagal pa ang paggamit sa mga ito. Ang mga produktong ginagamit upang ikabit ang mga kumpol ng pilikmata ay hindi dumidikit sa sensitibong balat ng talukap ng mata.

  • Mga strip na pilikmata

Ang mga strip na pilikmata ay ang pinakalumang paraan sa pagpapahaba ng pilikmata. Ang mga pekeng pilikmata ay nakalagay sa isang mahabang strip na direktang nilalagay sa talukap sa itaas ng natural na linya ng pilikmata. Ito ay nangangailangan ng espesyal na pandikit ng pekeng pilikmata na inilalagay sa buong haba ng strip. Ang mga pilikmata ay bahagyang pinipisil sa talukap at pagkatapos ay kailangan mong maghintay na matuyo ang pandikit. Maaari mo ring gupitin ang strip upang sumakto sa iyong mata. Sa pagtatapos ng araw, alisin ng madali ang mga pilikmata sa talukap ng mata.

Ito ay isang sikat na paraan ngunit mayroon itong mga maliit na problema. Ang pandikit na ginagamit para ilagay ang mga pilikmata ay maaaring mag-oxidize, kaya maaaring maging kita at hindi magandang tingnan sa buong araw. Madalas din na natatanggal ang strip sa mga gilid ng mga mata, na maaaring magdulot ng pagkairita sa talukap dahil sa matigas na strip. Ito rin ay isang pansamantalang paraan ng pagpapahaba ng pilikmata na tumatagal lamang ng isang araw.

  • Mga magnetic na pilikmata

Ang strip at magnetic na pilikmata ay halos magkatulad na paraan ng paglalagay ng extension sa pilikmata. Nagkakaiba lang ito sa paraan ng paglalagay. Hindi tulad ng ordinaryong strip o cluster eyelashes, hindi tayo gumagamit ng pandikit kundi isang espesyal na eyeliner na may iron particles sa formula nito. May mga maliliit na magnet sa strip na dumidikit sa formula ng eyeliner.

Ang paraang ito ng pagpapahaba ng pilikmata ay maganda at maraming gumagamit, pero may ilang hindi kanais-nais na bahagi. Madalas na nagrereklamo ang mga gumagamit tungkol sa mabahong amoy ng eyeliner na madalas nilang naamoy sa buong araw. Ang mga mura at magnetic na pilikmata ay may malalaking magnet na maaaring makita. Bukod pa rito, ang paglalagay ng magnetic na pilikmata ay nakadepende sa eyeliner at hindi palaging tugma sa hugis ng mata, kaya hindi ito para sa lahat. Kailangan din na medyo makapal ang linya at hindi lahat ay komportable sa ganoong kakapal na makeup.

Mga paraan ng paglalagay ng extension sa pilikmata - ano pa ang dapat mong malaman tungkol sa mga pekeng pilikmata?

Mga extension ng pilikmata - gaano katagal tumatagal ang mga epekto nito?

Ang karaniwang itinatagal ng mga extension ng pilikmata ay humigit-kumulang 1.5 buwan. Ang natural na pilikmata ay karaniwang tumatagal ng 3 buwan. Sa karaniwan, nalalagasan tayo ng 2-3 pilikmata bawat araw, kaya kakailanganin na punan ulit pagkatapos ng 3-4 na linggo. Sa kaso ng DIY na kumpol ng pilikmata, ang itinatagal nito ay humigit-kumulang 5 araw, bagama't maaari itong mas mahaba depende sa pangangalaga. Ang mga strip at magnetic na pilikmata ay pang-isahang araw lang.

Gaano katagal maglagay ng extension sa pilikmata?

Ang tagal ng paglalagay ay depende sa paraan ng pagpapahaba ng pilikmata, ang kasanayan ng iyong lash artist, pati na rin ang pakikipagtulungan ng kliyente. Ang 1:1 na pilikmata ay tumatagal ng hanggang 2 oras. Ang paglalagay ng extension sa pilikmata gamit ang pagpapakapal na pamamaraan ay tumatagal mula 1.5 hanggang 3 oras. Ang mga extension ng pilikmata na may strip, magnetic, o DIY na kumpol ng pilikmata ay 10 minuto lang, lalo na kapag ikaw ay sanay na.

Tandaan na ang tagumpay ng pagpapaganda ng mga pilikmata ay nakasalalay sa ilang mga kadahilanan. Ang mga ito ay ang kondisyon ng iyong natural na pilikmata, ang kasanayan ng stylist, at wastong pag-aalaga, na maaari mo pang mabasa dito. Ito ay naiimpluwensyahan din ng pagpili ng tamang paraan ng pagpapahaba ng pilikmata, ang mga materyales na ginamit, at ang oras na ginugol sa paglalagay ng extension sa pilikmata.



Magsulat ng komento. Ipo-post ito sa sandaling maaprubahan ng moderator.
Privacy policy

Our website uses cookies, also third party cookies to use external tools. In case the user doesn’t give their consent, only the essential cookies are used. You can change the settings in your browser at any time. Do you give your consent to use all cookies?

Privacy policy