Hydrogel eye patch para sa lash extension

Nanolash HYDROGEL EYE PATCHES

Contents 50 pairs / 100 pcs

Lint-free
Perpektong lash separation
Mayaman sa nutrients
Komportableng iimbak

MAHUSAY AT HINDI MAPAPALITAN SA ANUMANG SALON

Ang Nanolash hydrogel eye patch ay dinisenyo upang ang pamamaraan ng lash extension ay maging mas maginhawa at kaaya-aya. Matatag itong kumakapit sa balat at mahusay na ipinaghihiwalay ang mga ibabang pilikmata. Salamat sa espesyal na dinisenyong surface, hindi ito nag-iiwan ng anumang lint sa balat o sa pilikmata. Madali kang makakaguhit ng lash map sa mga ito para sa mas mahusay na proseso ng lash extension. Ang hydrogel pads ay makakatulong din sa lash lift, lamination, at lash tinting.

Ang mga patch ay malambot at flexible. Madali itong i-adjust sa mata ng kustomer at gupitin sa wastong sukat kung kailangan. Sinisiguro nito ang malinis na trabaho at mas akmang lash extension application salamat sa puting kulay, na malayo sa kulay ng pilikmata.

Hydrogel Eye Patches

PUNO NG MAHUHUSAY NA SANGKAP

Dahil may nutrients, ang mga patch ay hindi lamang aksesorya sa kamay ng lash artist; ang mga ito ay napakagandang karagdagan. Mayaman sa hydrogel, hinihiwalay ng mga patch ang mga ibabang pilikmata sa panahon ng iba’t ibang beauty treatment ngunit mino-moisturize ang sensitibong balat sa bandang mata. Ang mga ibabang talukap ng mata ay nakakatanggap ng malaking suplay ng hydration, at ang buong styling process ay higit na mas maganda.

Ang mga Nanolash hydrogel patch ay mayroong mga kapaki-pakinabang na aktibong sangkap tulad ng:

  • Glicerin – isang moisturizing agent na nagpapabuti sa absorpsyon ng mga aktibong sangkap sa balat.
  • Castor oil – pinabubuti nito ang synthesis ng collagen at elastin, nagdaragdag ng katatagan sa balat, at pinapalambot ang mga linya.
  • Tartaric acid – pinalalambot at pinapuputi ang balat, at inaayos ang tone nito. Ang acid ay naghahatid ng collagen production at hina-hydrate ang balat.
  • Aloe leaf extract – hina-hydrate ang balat at inaalis ang iritasyon.

Hydrogel Eye Patches

PAANO GAMITIN ANG NANOLASH HYDROGEL EYE PATCH?

Bago ilagay ang mga patch, siguruhin na ang balat ay malinis at tuyo. Sa pag-apply ng pad, ihiwalay ang mga ibaba at itaas na pilikmata . Ilagay ang patch sa ibabang mga pilikmata para masiguro na walang haharang na buhok sa panahon ng lash extension o lash lift. Ang itaas na bahagi ng patch ay angkop para sa madaling pagguhit ng lash map.

Salamat sa hydrogel coating, ang mga patch ay nananatili sa balat at hindi natutuklap sa panahon ng treatment. Madali mong magugupit ang nais na hugis upang iakma sa alinmang hugis ng mata kung kailangan.

NANOLASH – ANG PINAKAMAHUSAY PARA SA IYONG PILIKMATA

Ang mga hydrogel eye patch ay isa lamang sa mga kamangha-manghang produkto ng Nanolash. Ang mga de kalidad na produkto sa pangangalaga ng pilikmata at mga makeup ay ikinatutuwa ng mga propesyonal na lash artist sa buong mundo

Kung nais mong manatiling updated sa mga bagong produkto sa beauty industry, at makahanap ng mapagkakatiwalaang source ng tips at mga inspirasyon, bumisita sa aming social media!

faq
FAQ LAHAT NG
DAPAT MONG MALAMAN
Gaano katagal pwedeng iwan ang hydrogel patch sa balat?
Salamat sa mild hydrogel formula, ang mga patch ay pwedeng manatili sa balat sa buong proseso ng lash extension o lash lift.
Paano dapat i-store ang mga hydrogel patch para manatiling fresh at magagamit?
Huwag aalisin ang mga Nanolash hydrogel patch sa original, disposable packaging. Dapat buksan ng direkta bago ang paggamit.
Reusable ba ang mga hydrogel eye patch?
Hindi. Ang mga hydrogel eye patch para sa lash extension ay isang beses lang magagamit para mapanatili ang kailangang kalinisan sa buong proseso.
Nanolash Hydrogel Eye Patch – mga sangkap (INCI)
Water, Glycerin, Allantoin, Sorbitol, Sodium Polyacrylate, Cellulose Gum Polyacrylic Acid, Ricinus Communis (Castor) Seed Oil, Triethylhexanoin, Kaolint, Tartaric Acid, Aluminum Glycinate, Titanium Dioxide, Disodium EDTA Methylisothiazolinone, lodopropynyl-butylcarbamate, Tocopheryl Acetate, Aloe Barbadensis Leaf Extract.
Nanolash Hydrogel Eye Patch – expiration date
Ang expiry date ay makikita sa packaging. Ang bawat pares ng patch ay kailangang gamitin kaagad matapos buksan.
Gaano ako katagal maghihintay bago mai-deliver ang order ko?
Ang estimated delivery time ay dalawang araw ng trabaho. Ang mga produkto ay ide-deliver ng isang courier company.
Pwede ba akong mag-order sa ibang bansa?
Oo naman. Ang aming kumpanya ay nag-aalok ng sales sa maraming bansa sa mundo. Ang estimated delivery time, maging ang halaga ng delivery, ay nakadepende sa destinasyon. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring i-click ang flag button sa website menu at piliin ang nais na lengguwahe.
Patakaran sa privacy

Gumagamit ang cookies ng aming website, pati na rin ang cookies ng third party para gumamit ng mga external na tool. Kung sakaling hindi magbigay ng pahintulot ang user, ang mahahalagang cookies lang ang gagamitin. Maaari mong baguhin ang mga setting sa iyong browser anumang oras. Ibinibigay mo ba ang iyong pahintulot na gamitin ang lahat ng cookies?

Patakaran sa privacy