Micellar water para sa pagtatanggal ng makeup

Nanobrow MICELLAR MAKEUP REMOVER

Laki: 200ml / 6.8 fl oz

Tinatanggal ang makeup at nililinis ang kutis ng iyong mukha
Pinalulusog at pinabubuti ang kalusugan ng balat
Angkop para sa sensitibong balat
Pinapaginhawa at hina-hydrate ang balat, na iniiwan itong makinis

SKIN WITHOUT TRACE OF MAKEUP

Sikreto para sa maganda at makinis na balat?Ang eksaktong pag-alis ng makeup at anumang iba pang labis na produkto. Alamin ang isang makabagong pangtaggal ng makeup mula sa Nanobrow. Ang kakaibang produktong ito ay inaalis pati ang waterproof na makeup. Ang perpektong formula ng micellar water ay mahusay na gumagana sa lahat ng uri ng balat, kabilang ang mga problema sa balat. Inaalis nito ang sobrang langis at inihahanda ang balat para sa susunod na hakbang ng pangangalaga ng balat. Ang balat ay nagiging hydrated at kumikinang.

MICELLAR MAKEUP REMOVER

MICELLAR MAKEUP REMOVER NG NANOBROW – MALUSOG NA BALAT AT PAGTANGGAL NG MAKEUP

Ang micellar makeup remover ng Nanobrow ay sobrang dali gamitin. Ang perpektong formula ay malalim na nililinis ang balat sa mukha, pinalulusog, pinagiginhawa, at pinoprotekahan ang natural na defensive barrier nito. Ang kombinasyon ng mga banayad na sangkap na nagpapalusog at mga micelles na nakakalinis ay sinisigurong magiging maganda at malusog ang balat. Ang micellar water ng Nanobrow ay nililinis mabuti ang sobrang langis, dumi, at makeup. Ang mukha ay nagiging presko at makinis at hindi mahigpit sa pakiramdam. Ang formula ay idinisenyo para gawing malinis at malusog ang balat.

Ang kakaibang katangian ng micelles ay ang sikreto kung bakit epektibo ang produktong ito. Inaaalis ng formula ang mga mahirap tanggalin na makeup, labis na sebum, ganun rin ang dumi at alikabok. Ang micellar water ng Nanobrow ay mayaman sa nutrients at may katangiang kayang i-kondisyon ang balat. Niacinamidevitamin B3 derivative) pinapuputi ang balat, ginagawang hindi gaanong nakikita ang malalaking pores, binabawasan ang pagkawala ng kulay, at pinapalakas ang proteksyon ng balat. Pinapaginhawa din nito ang balat na madaling magkaruon ng acne. Ang katas ng pomegranate ay may kakayahang pigilan ang pagkulubot ng balat, pinabibilis ang pag-aayos ng mga cells ng balat, binabawasan ang pamamaga, at pinasisigla ang pagbuo ng collagen. Ang aloe vera ay nagpapaginhawa at hina-hydrate ang balat, at pinipigilan ang oxidation.

MICELLAR MAKEUP REMOVER

PAANO GAMITIN ANG MICELLAR MAKEUP REMOVER?

Mabilis at madaling naaalis ng Nanobrow micellar water ang makeup. Magugustuhan mong gamitin ito. Ang kailangan mo lang gawin ay ibabad ang isang a cotton pad sa remover at idampi ito sa iyong balat. Tandaan na kailangang magaan ang pagdiin dito – hindi kailangang kuskusin gamit ang produktong ito! Kinakailangang mabagal lang and palaging palitan ang pads hanggang sa tuluyang luminis ang balat.

Pagtanggal ng makeup sa kilay at pilikmata? Idampi ang cotton pad na inulubog sa remover sa mga mata o kilay ng ilang segundo. Ang mga micelles ay mabilis magtanggal ng anumang kosmetiko. Ngayon, maaari mo nang hugasan ang mga ito nang hindi kinukuskos ang balat o buhok.

NANOBROW - ANO ANG PINAKAMAGANDA PARA SA IYONG KILAY

Ang Micellar makeup removeray isa lamang sa maraming kahanga-hangang produkto na mahahanap mo sa Nanobrow range. Ito ang pinakamataas na kalidad na produkto para sa pangangalaga at makeup ng kilay na kahit ang mga pinakamahuhusay na propesyonal ay palaging ginagamit. Maaari mo ring baguhin ang iyong hitsura at maramdaman ang mas higit na kagandahan.

Kung gusto mong malaman pa ang mga balita sa industriya ng kagandahan at makahanap ng mapagkakatiwalaang payo at walang katapusang inspirasyon, siguruhing bisitahin ang aming mga social media platform!

faq
FAQ LAHAT NG
DAPAT MONG MALAMAN
Kailangan ko bang hugasan ang aking mukha pagkatapos gumamit ng micellar water?
Oo, dapat mong palaging hugasan ang iyong mukha pagkatapos magtanggal ng makeup upang matiyak na walang tirang makeup sa balat at iba pang mga dumi.
Pwede bang gumamit ng micellar makeup remover araw-araw?
Oo, inirerekomenda ito kung nais mong lubusang linisin ang balat at panatilihin itong malusog. Ang mga aktibong sangkap ay nagbibigay ng mga benepisyo para sa balat, na tumutulong sa paglaban sa acne.
Kaya bang tanggalin ng micellar water ang mga makeup na waterproof?
Oo, tinatanggal ng Nanobrow Micellar Makeup Remover ang anumang uri ng makeup, pati na rin ang waterproof
Nanobrow Micellar Makeup Remover – ingredients (INCI)
Aqua, Styrene/Acrylates Copolymer, Propylene Glycol, Ammonium Acrylates Copolymer, Sodium Laureth-12 Sulfate, Phenoxyethanol, Sodium Dehydroacetate, Ethylhexylglycerin, [CI 77266, CI 77499, CI 77491, CI 77492, CI 77891].
Nanobrow Micellar Makeup Remover – petsa ng pag-expire
Kapag tama ang pagtatago, magtatagal ang produktong ito sa loob ng 12 buwan mula nang ito ay buksan.
Gaano katagal bago makumpleto ang order?
Ang inaasahang oras ng paghahatid ay sa loob ng dalawang araw na may trabaho. Ang produkto ay ihahatid ng isang kumpanya ng courier.
Maaari ba akong mag-order kung nakatira ako sa ibang bansa?
Oo, nagpapadala kami ng aming mga produkto sa maraming bansa sa buong mundo. Ang gastos sa pagpapadala at inaasahang oras ng paghahatid ay depende sa bansang pagdadalhan. Kung gusto mong makakuha ng impormasyon tungkol sa mga gastos ng paghahatid sa iyong bansa, pindutin ang flag button sa menu ng website at piliin ang nais na bersyon ng wika.
Patakaran sa privacy

Gumagamit ang cookies ng aming website, pati na rin ang cookies ng third party para gumamit ng mga external na tool. Kung sakaling hindi magbigay ng pahintulot ang user, ang mahahalagang cookies lang ang gagamitin. Maaari mong baguhin ang mga setting sa iyong browser anumang oras. Ibinibigay mo ba ang iyong pahintulot na gamitin ang lahat ng cookies?

Patakaran sa privacy