Eyebrow mascara

Nanobrow SHAPE MASCARA

Kulay: light brown, brown, black

Laki: 7ml / 0.23 fl oz

Kulay : Pumili ng kulay
Pinupunan ang mga kilay at tinatakpan ang mga puwang
Itinataas at pinakakapal ang mga kilay
Nilalagyan ng style at hugis ang mga kilay
Pinapakinis at pinalalambot ang mga kilay

MAAYOS AT MAGANDANG MGA KILAY!

Kung naghahanap ka ng isang produkto na maraming kayang gawin na tutulong sa iyo na maglagay ng style at tukuyin ang iyong mga kilay nang walang kahirap-hirap, subukan ang Shape Mascara ng Nanobrow. Ang produktong ito ay angkop para sa lahat ng uri ng kilay, maging sila ay makapal at magulo o manipis at kalat-kalat. Ginagawang posible ng brow mascara na madaling lagyan ng style at kortehan ang mga kilay habang pinupunan ang mga ito ng isa sa tatlong natural na kulay. Ang malabot na texture ng eyebrow mascara ay pinakakapal ang hitsura ng mga kilay at ginagawang plakado ang mga ito, habang mas pinakikintab pa ito. Ang produktong ito ay ginawa para sa bawat babae na gustong tukuyin ang kanyang mga kilay nang banayad at elegante.

SHAPE MASCARA

Kulay : Pumili ng kulay

GAWING MAS KAPANSIN-PANSIN ANG KULAY NG IYONG KILAY AT DAGDAGAN ANG KANILANG KAPAL

WGamit ang eyebrow-styling mascara mula sa Nanobrow,mabilis mong magagawa ang epekto ng mas makapal at maayos na hugis ng kilay. Ang produkto ay perpektong tinatakpan ang mga puwang at pinagaganda ang hitsura ng ating mga kilay, na dinadagdagan ang kanilang kapal at isang three-dimensional na hitsura. Ang Nanobrow Shape Mascara ay may tatlong natural and perpektong kula upang ibagay sa iyong gustong hitsura. Ang precision brush ay naaabot ang lahat ng buhok ng kilay, pantay na nailalagay ang mascara, na nagagawang paghiwalayin ang mga kilay at bigyan sila ng magandang hugis. Ang kaaya-aya, malambot na formula ay hindi namumuo sa mga kilay o nag-iiwan ng malagkit na latak.

Ang mga aktibong sangkap na nakapaloob sa formula ng produkto ay pinagaganda ang kondisyon ng mga kilay, binabawasan ang labis na pagkawala ng tubig, at pinadadali na masipsip ang mga molecule na nagpapalusog sa buhok. Ang Betaine at glycerin ay malalim na mino-moisturize ang mga kilay, habang an silica naman ay pinoprotektahan ang mga bahagi ng buhok, pinatitibay, at pinipigilan ang labis na pagkawala ng buhok. Ang Mica ay nagdadagdag ng kintab at lambot sa mga kilay, na ginagawang malusog at maayos ang hisura nito.

SHAPE MASCARA

Kulay : Pumili ng kulay

PAANO GAMITIN ANG EYEBROW MASCARA?

Ang eyebrow mascara ng Nanobrow ay tamang-tama para sa sinumang gustong magdagdag ng kapal sa kanilang mga kilay at masiyahan sa kanilang perpektong hugis at nakaayos na kilay sa buong araw. Tingnan ang 4 na hakbang sa ibaba at alamin kung gaano kadali ito!

1. Kunin ang eyebrow mascara wand at i-brush ang iyong mga kilay, simula sa panloob na gilid.

2. Dahan-dahang ilagay ang produkto patungo sa buntot ng kilay, dahan-dahang punan ng kulay ang kilay.

3. Magdagdag ng kaunting produkto sa dulo para magkaroon ng natural na pagbabago ng kulay.

4. Kung gusto mo, maaari mo ring dagdagan ng ilang beses ang paglagay ng eyebrow mascara.

Masiyahan sa iyong napakagandang kilay. Gamitin lang ang Shape Mascara nang mag-isa o gamitin ito kasama ng iba pang mga produkto ng makeup para sa kilay

NANOBROW – ANO ANG PINAKAMAGANDA PARA SA IYONG KILAY

Ang Eyebrow mascaraay isa lamang sa maraming kahanga-hangang produkto na mahahanap mo sa Nanobrow range. Ito ang pinakamataas na kalidad na produkto para sa pangangalaga at makeup ng kilay na kahit ang mga pinakamahuhusay na propesyonal ay palaging ginagamit. Maaari mo ring baguhin ang iyong hitsura at maramdaman ang mas higit na kagandahan.

Kung gusto mong malaman pa ang mga balita sa industriya ng kagandahan at makahanap ng mapagkakatiwalaang payo at walang katapusang inspirasyon, siguruhing bisitahin ang aming mga social media platform!

faq
FAQ LAHAT NG
DAPAT MONG MALAMAN
Maaari bang gamitin ang eyebrow mascara kasama ng iba pang produkto para sa kilay?
Oo, mahusay na gumagana ang Nanobrow Shape Mascara sa iba pang mga pampaganda. Subukan ang iba pang mga produkto ng Nanobrow at masiyahan sa paglalagay ng style sa iyong mga kilay.
Waterproof ba ang eyebrow mascara?
Hindi, ang eyebrow mascara na ito ay hindi waterproof.
Paano tanggalin ang Nanobrow Shape Mascara sa pagtatapos ng araw?
Gumamit ng anumang makeup remover. Ang pinakamahusay na paraan ay ibabad ang isang cotton pad sa micellar water at idampi ito sa iyong mga kilay. Mahintay lang ng ilang segundo at, idampi ito sa balat, pagkatapos ay punasan ang pad ayon sa direksyon ng pagtubo ng buhok. Kung kinakailangan, ulitin ang proseso.
Nanobrow Shape Mascara – ingredients (INCI)
Aqua, PVP, Propylene Glycol, Ammonium Acryloyldimethyltaurate/VP Copolymer, Glycerin, Mica, Betaine, Silica, Phenoxyethanol, Ethylhexylglycerin, Sodium Hydroxide, [+/- CI 77499, CI 77891, CI 77491, CI 77492].
Nanobrow Shape Mascara – petsa ng pag-expire
Ang Nanobrow Shape Mascara, kapag tama ang pagtatago, ay nagtatagal ito nang hanggang 12 na buwan mula nang ito ay buksan.
Gaano katagal bago makumpleto ang order?
Ang inaasahang oras ng paghahatid ay sa loob ng dalawang araw na may trabaho. Ang produkto ay ihahatid ng isang kumpanya ng courier.
Maaari ba akong mag-order kung nakatira ako sa ibang bansa?
Oo, nagpapadala kami ng aming mga produkto sa maraming bansa sa buong mundo. Ang gastos sa pagpapadala at inaasahang oras ng paghahatid ay depende sa bansang pagdadalhan. Kung gusto mong makakuha ng impormasyon tungkol sa mga gastos ng paghahatid sa iyong bansa, pindutin ang flag button sa menu ng website at piliin ang nais na bersyon ng wika.
Patakaran sa privacy

Gumagamit ang cookies ng aming website, pati na rin ang cookies ng third party para gumamit ng mga external na tool. Kung sakaling hindi magbigay ng pahintulot ang user, ang mahahalagang cookies lang ang gagamitin. Maaari mong baguhin ang mga setting sa iyong browser anumang oras. Ibinibigay mo ba ang iyong pahintulot na gamitin ang lahat ng cookies?

Patakaran sa privacy