Mascara para sa kapal

Nanolash VOLUME UP MASCARA

Kulay: Itim

Sukat: 10ml / 0.34 fl oz

Volume Up Mascara
Higit na makapal at kapansin-pansing pilikmata
Ergonomic brush para sa tumpak na aplikasyon
Actively-conditioning formula batay sa natural na mga sangkap
Maayos na lash separation nang hindi lumalampas at namumuo ang mascara

Natural na pilikmatang may nakamamanghang kapal!

Iiwan ng Nanolash Volume Up Mascara ang iyong pilikmata na lubos na makapal at buong-buo. Ang aming mascara ang sikreto sa salon-worthy lash volume, na makukuha sa ilang brushstrokes lang.

Ito ay isang pangmatagalang mascara para matiyak na ang iyong makeup ay mananatiling malinis at flawless buong araw, anuman ang kondisyon ng panahon. Ang pinahusay na formula ay sumasaklaw sa buong haba ng pilikmata at hindi nagbubuo-buo para masiguro na ang iyong talukap ng mata ay mananatiling malinis.

Volume Up Mascara

MAXIMUM VOLUME AT LASH CARE SA IISANG HAGOD

Paano magagawa ang nakakabilib na kapal ng pilikmata? Ang Nanolash ay nagdisenyo ng formula ng Volume Up Mascara para masiguro ang arawang suplay ng conditioning ingredients, na nagreresulta sa tunay na pagbuti ng pilikmata at mas maganda, mas malusog na pilikmata. Maliban sa pagtulong na makagawa ng flawless eye makeup, ang produkto ay nagbibigay ng nourishment sa iyong pilikmata! Ang natural, vegan formula ang nasa likod ng kapaki-pakinabang na kakayahan ng mascara. Ang wheat germ oil ay ang pangunahing nourishing ingredient na mayaman sa lecithin na nagbibigay-buhay at nagpapatibay ng pilikmata. Ang Vitamin E ay idinagdag para sa pagtubo at proteksyon ng lash follicles laban sa mga masasamang free radicals.

Ang formula ay kinabibilangan din ng rice wax at carnauba wax, na nagbibigay sa pilikmata ng kapal, kintab, at hydration, kaya ito ay mukhang makapal at malusog. Maliban dito, ang mascara ay mayroong gum arabic, na may soothing at protective qualities na nagpapaganda ng pilikmata, at ang film-forming properties nito na lumalaban sa pagkasira at masasamang epekto ng mga pollutant. Ang panthenol ay nag-aalok ng anti-inflammatory action, nagbibigay ng hydration sa pilikmata at binibigyan ito ng kamangha-manghang kintab.

Volume Up Mascara

Paano gamitin ang thickening mascara Volume Up Mascara?

Ang paglalagay ay simple lang salamat sa mahusay na ginawang formula at ergonomic brush. Simulang i-apply ang mascara mula sa puno ng pilikmata, habang iginagalaw-galaw nang pabalik-balik ang brush. Mag-apply pa ng higit na layer para sa bolder look ng pilikmata. Para pahabain ang buhay ng iyong lash makeup at pakapalin at pahabain ang pilikmata, gumamit ng Nanolash Mascara Primer. Kaagad mong makikita ang pagkakaiba!

Ang Volume Up Mascara ay may brush na nakakaabot kahit sa pinakamaiiksing pilikmata nang madali at nakagagawa ng gustong hugis ng pilikmata; magugustuhan ng mga tao sa paligid ang bago mong itsura, at ang pinakamahalaga, magugustuhan mo ito.

Nanolash – Lahat ng pinakamahuhusay para sa iyong pilikmata

Ang mascara for volume ay isa lamang sa maraming magagandang produkto na iniaalok ng Nanolash. Maging ang mga propesyonal na lash artist sa buong mundo ay gustung-gustong gamitin ang mga de kalidad na lash care at makeup products na ito.

Kung nais mong maging updated sa mga bagong produkto sa beauty industry, at makahanap ng maaasahang mapagkukunan ng tips at inspirasyon, kailangan mong bumisita sa aming social media!

faq
FAQ LAHAT NG
DAPAT MONG MALAMAN
Anong uri ng brush mayroon ang mascara?
Ang aming mascara ay may silicone brush na may ergonomic shape para sa tumpak na lash separation at para makuha ang gustong volume
Ito ba ay isang waterproof mascara?
Hindi, ang Nanolash Volume Up Mascara ay hindi waterproof.
Paano aalisin ang mascara?
Dahil ang aming mascara ay hindi waterproof, pwede mo itong hugasan gamit ang mga traditional makeup remover gaya ng micellar water o cleansing milk.
Nanolash Volume Up Mascara – expiry date
Kapag inimbak ng tama, napapanatili ng Nanolash Volume Up Mascara ang properties nito sa loob ng anim na buwan mula noong binuksan.
Nanolash Volume Up Mascara – mga sangkap (INCI)
Aqua, Synthetic Beeswax, Paraffin, CI 77499, Polyurethane35, Acacia Senegal Gum, Stearic Acid, Triethanolamine, Palmitic Acid, VP/Eicosene Copolymer, Polybutene, Copernicia Cerifera Cera, Glyceryl Stearate, Butylene Glycol, Oryza Sativa Cera, Triticum Vulgare Germ Seed Oil, Panthenol, Phenoxyethanol, Ethylhexylglycerin, Hydroxyethylcellulose.
Gaano ako katagal maghihintay bago mai-deliver ang order ko?
Ang estimated delivery time ay dalawang araw ng trabaho. Ang mga produkto ay ide-deliver ng isang courier company.
Pwede ba akong mag-order mula sa ibang bansa?
Oo naman. Ang aming kumpanya ay nagbebenta sa iba’t ibang bansa sa mundo. Ang estimated delivery time, at kung magkano ang delivery fee, ay depende sa destinasyon. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring i-click ang flag button sa website menu at piliin ang bersyon sa nais na lengguwahe.
Patakaran sa privacy

Gumagamit ang cookies ng aming website, pati na rin ang cookies ng third party para gumamit ng mga external na tool. Kung sakaling hindi magbigay ng pahintulot ang user, ang mahahalagang cookies lang ang gagamitin. Maaari mong baguhin ang mga setting sa iyong browser anumang oras. Ibinibigay mo ba ang iyong pahintulot na gamitin ang lahat ng cookies?

Patakaran sa privacy